Paano palitan ang pangalan sa PSA Birth Certificate? Paano nga ba papalitan ang first name kung wrong spelling, baby boy/girl, o iba sa pangalan na kinalakihan mo? Kung wrong spelling ang middle name, other entries, maling kasarian, maling birth day at month basahin dito.
Paano palitan ang pangalan sa PSA Birth Certificate kung wrong spelling/ baby boy o girl ang nakasulat, o iba siya sa school records mo?
Q: Ano ang puwedeng palitan na pangalan?
A: Ang puwede lamang palitan ay ang FIRST NAME na wrong spelling o ang nakalagay ay BABY BOY o BABY GIRL.
Wrong spelling na Apelyido (LAST NAME) , Place of Birth, Name of Parents.
Walang Birth date o may blanko sa Birth Certificate.
Kung hindi ito ang batayan ng pagpalit ng iyong pangalan, basahin ang guide sa: Paano palitan ang iyong LAST NAME sa PSA Birth Certificate (Kung hindi wrong spelling)
Q: Kailangan ba ng attorney?
A: OO, dahil kailangan mong magpagawa ng affidavit/ petition na ibibigay sa local civil registrar. I google lang o ipagtanong kung saan ang Local civil registry sa inyong lugar.
Q: Ano ang mga kakailanganin para sa pagpalit ng pangalan?
A: Kailangan ihanda mo muna ang mga sumusunod:
(a) Photocopy/ machine copy ng page sa book register ng maling pangalan na papalitan. Makukuha ito sa local civil registrar kung saan nakatago ang records mo o kung lumipat ka na ng tirahan sa local civil registrar kung saan ka nakatira.
(b) Dalawa o mahigit pa na private o public document kung saan makikita ang tamang pangalan (correct name) tulad :
- baptismal certificate,
- voter’s affidavit,
- employment record,
- GSIS/SSS record,
- medical record, school record,
- business record,
- driver’s license,
- insurance,
- land titles,
- certificate of land transfer,
- bank passbook,
- NBI/police clearances
- civil registry records of ascendants
- and others.
(c) Affidavit o petition to change name;
(d) Notice and Certificate of Posting
(e) Certified machine copy of the Official Receipt of the filing fee
(f) Other documents as may be required by the City/Municipal Civil Registrar.
Q: Magkano ang bayad?
A: Maliban sa bayad sa lawyer para sa petition, kailangan magbayad ng Php3,000 para sa Change of Name. Additional Php1,000 kung ikaw ay nasa ibang Local Civil Registrar.
Q: Saan ibibigay ang petition?
A: Sa Local Civil Registrar kung saan ipinanaganak ang papalitan ng pangalan o kung lumipat ng tirahan, sa lugar kung saan kayo nakatira ngayon.
Q: Additional questions?
A: Pumunta sa inyong Local Civil Registrar. O mag e-mail/ comment dito. 🙂
Paano papalitan ang LAST NAME dahil sa LEGITIMATION o PATERNITY RECOGNITION?
Kung ang iyong magulang ay nagakasal o ang iyong ama ay nagpakita at pumayag siya na gamitin ang apelyido niya at nirecognize ang inyong anak, pumunta lamang sa inyong pinakamalapit na Local Civil Registrar.
Paano palitan ang CLERICAL ERRORS na nasa PSA Birth Certificate?
Paano palitan ang LAST NAME sa PSA Birth Certificate



Paano kung babawasan ang first name meron baptismal na nakapangalan sa balak gamitin na pangalan sa PSA birth certificate aprubahan kaya ito?
Punta po muna kayo sa LCR kung saan nakarehistro ang anak ninyo para sa petition na bawasan ang first name.
Tanong ko lang po kung binawasan ko first name ng anak ko 2yrs old pa lang dahil mahaba at may annotation lang po nakalagay sa PSA nya pero nandun pa din ang pangalan nya na tinanggal namin. Pwede ba kapag lumaki na sya ay mag file sya Sha ng petition para permanente na matanggal sa PSA nya ang pangalan na hindi nya na ginagamit o mag issue ng bagong birth certificate nya?
Kapag naka- annotate po yung annotation po yung susundan. Hindi na po niya kailangan ng bagong petition.
hello po gud after. po paano po gagawin kung walang pangalan ang Birth Certificate ko po ..?
pumunta po kayo sa inyong Local civil registrar para magsubmit ng requirements kasama ang supplemental affidavit.
anu po kaya ang dapat gawin upang maayos ang birthcertificate ng papa ko po kase yung spelling ng name nya balibaligtad po
ipaayos niyo po sa local civil registrar kung saan nakarehistro yung birth certificate niya
Pwede po ba magpabawas ng letter sa first name po?
Kung clerical error po siya pwede
hello po magkano po kaya pagpapalit ang isang letra sa first name
pag clerical error tulad ng wrong spelling, punta po kayo sa inyong Local Civil Registrar para sa presyo.
Paano naman kung gusto bawasan ang first name?
Lumapit po kayo sa LCR kung saan nakarehistro ang inyong anak. Baka pwede pong petition sa LCR para bawasan.
Paano malalaman kung ano yung civil registrar mo? Hindi kasi kami naguusap ng mga parents ko. pero sa PSA ko nakalagay ang place of birth ko is Urgent care clinic, paranaque city metro manila.
Sa pinakataas na part po ng PSA Birth Certificate ninyo may nakasulat na, “Province”, “City/Municipality”, “Registry No.”
Kung anong City/Municipality yung nakasulat, doon po nakarecord ang inyong birth certificate.
Pwedi po bang mag tanong magkano po kaya magagastos ko sa pagpapalit ng apilido ng anak ko dati nyang apilido soriano ngayon po gusto ko po francisco gamitin nya dahil kasal po ako sa pangalawa kong asawa.nag separate po kami kasi ng tunay nyang tatay maraming salamat po?
kailangan po diyan adoption. I-adopt po ng second husband ninyo yung anak ninyo. Punta po kayo sa DSWD.
Admin pano po pag walang pangalan ang nakalagay sa NSO?
paanong walang pangalan? Negative Birth Certificate po ba o blank lang? Thank you
Hello Po ask ko lang Po..sa anak ko Po KC blanko Ang name ng tatay maski apilyido Wala …ano Po dapat Gawin para Po magkaroon at mailipat Po ung apilyido sa kanya? maraming salamat Po ☺️
Hi! Affidavit of PAternity and use surname po. Pumunta po kayo sa Local Civil Registrar kung saan siya nakarehistro, may i-fi-fill out pong from ang tatay.
Maglalabas po ba ng pera for adoption sa dswd ?
Sabi po sa Infographic ng DSWD, libre po ang services ng DSWD pero kayo ang gagastos sa mga documents na kailangan
Admin pwede ko pa po ba palitan yung apelido ko. nakalagay po kasi sa school records at mga ID ko apelido ng tatay ko. kaso nung kumuha ako nang NSO dun ko lang po nakita na ang nakalagay sa birth certificate ko. apelido ng nanay ko. pwede ko po ba dito ko nalang lakarin sa ilocos norte. pero pinanganak po kasi ako sa taytay rizal. salamat po !
Kailangan po sa Taytay Rizal ayusin, pero tawagan niyo po LCR sa Ilocos Norte kung tumatanggap sila ng Migrant Application.
ask ko lng po kung ano dapat ko gawin kasi po yong nasa PSA ko ay apelyedo ng mama ko ang nakalagay pati na gitna..magkano po kaya magagastos..salamat po
Magfa-file po kayo ng Petition for correction of clerical error sa Local Civil Registrar. Mas mabuting tawagan niyo po yung LCR para macheck ninyo yung filing fees nila.