Paano palitan ang iyong LAST NAME sa PSA Birth Certificate (kung hindi wrong spelling). Sa unang article na Paano palitan ang pangalan sa PSA Birth Certificate? , tinalakay antin ang pagpalit ng pangalan kung merong wrong spelling, typographical errors, baby girl, baby boy ang pangalan. Ngayon ay tatalakayin natin ang pagpalit ng pangalan kung walang typographical errors/ wrong spelling sa pangalan.
Kung wrong spelling ang iyong LAST NAME o magpapalit ka dahil nagpakasal ang iyong magulang, basahin ito:
Paano palitan ang pangalan sa PSA Birth Certificate?
Ang pagpalit ng LAST NAME ay hindi basta basta. Una sa lahat kailangan mong magfile ng Petition sa Korte:
IN RE: PETITION FOR CHANGE NAME AND/OR CORRECTION/ CANCELLATION OF ENTRY IN CIVIL REGISTRY
Ibig sabihin kailangan kailangan mong bayaran ang FILING FEE, at appearance fee ng iyong attorney.
Dapat may VALID REASON ka para magpalit ng LAST NAME, ang mga valid reasons ay ang mga sumusunod:
a) Ang
(b) Ang pagpalit ng pangalan ay dahil sa legal action tulad ng legitimation/ adoption, etc.
(c) Ang pagpalit ng pangalan ay makakaalis ng confusion;
(d) Ang isang tao ay kilala sa Pilipinong pangalan mula pagkabata at hindi alam na may magulang na dayuhan.
(e) Nais magkaroon ng Pilipinong pangalan para at burahin ang dayuhang pagkakakilanlan. Ito ay isasagawa sa legal na rason at walang maidudulot na pinsala sa ibang tao.
(f) Ang LAST NAME ay nagdudulot ng kahihiyan at papalitan ito na walang masamang mithiin at hindi magdudulot ng pinsala sa kahit sino.
Kung ang dahilan ng pagpalit mo ng pangalan ay wala dito, wala kang magagawa kung hindi panindigan ang iyong pangalan.
Paano palitan ang iyong LAST NAME sa PSA Birth Certificate
hello. ask ko lang kasi ung kilala ko ang nailagay na apelyido sa knya ay yung first name ng tatay ng tatay nya. ano po kayang gagawin
Sumangguni po kayo sa inyong local civil registrar para ipaayos ang birth certificate. Kapag hindi po maaari sa LCR ay kailangan niyo pong sumangguni sa abogado.
paano po kong magbabawas ka ng pangalan tulad ng: ang pangalan ng nanay ko ay pamela rosa ngunit sa birthcertificate na dinadala namin lahat ng magkakapatid ay pamela lang po. Ano po ba ang gagawin namin ?
nawa’y matulugan niyo po ako. salamat po sa sagot.
Pumunta po kayo sa inyong Local Civil Registrar para mag pa correct ng clerical errors
gusto ko po sana palitan Yong middle ng anak ko ma’am kc mali poh nailagay kong middle name nila
Kailangan niyo pong mag file ng correction of entries sa korte
Pano ko po mapapalitan ang lastname ng anak ko kasi yung lastname na nailagay ko ay hindi nya totoong ama
paemail naman po please kung my sumagot sa tanong nyo…kasi same po tau ng case
need ko din palitan ng last name ung anak ko kasi hindi naman un tunay na ama…
Sa akin po true name kasi po nakalagay doon baby girl now po gusto kona sya palitan ng dinadala kong pangalan ngayon
Pachange po kayo ng name through LCR kung saan nakaregister pangalan niyo, punta lang po kayo doon for inquiries.