Paano palitan ang iyong LAST NAME sa PSA Birth Certificate (kung hindi wrong spelling). Sa unang article na Paano palitan ang pangalan sa PSA Birth Certificate? , tinalakay antin ang pagpalit ng pangalan kung merong wrong spelling, typographical errors, baby girl, baby boy ang pangalan. Ngayon ay tatalakayin natin ang pagpalit ng pangalan kung walang typographical errors/ wrong spelling sa pangalan.
Wrong Spelling
Kung wrong spelling ang iyong LAST NAME o magpapalit ka dahil nagpakasal ang iyong magulang, basahin ito:
Paano palitan ang pangalan sa PSA Birth Certificate?
Apelyido ng Nanay at Nais Ipalit sa Tatay
Kung ang apelyido mo ay apelyido ng nanay mo at nais mong gamitin ang apelyido ng tatay mo, narito ang sagot namin:
Paano Gawing Apelyido ng Tatay ang Apelyido Mo?
Last Name ng Step Father o Ibang Tao
Kung nais mong palitan ang apelyido ng iyong anak sa apelyido ng hindi niya tatay, kailangan ng Adoption na maaring gawin sa DSWD. Maaaring hindi kailanganin ang abogado sa DSWD para sa adoption kung kasal kayo ng kanyang step father.
Gamitin ang Last Name ng Nanay
Kung ang apelyido mo ay sa tatay mo at nais mong gamitin ang apelyido ng iyong ina. Kailangan mong pumunta sa korte para ito ay mapalitan. Magkakaroon ng hearing at maproseso.
Ibig sabihin kailangan kailangan mong bayaran ang Acceptance Fee, at appearance fee ng iyong attorney na maaaring aabot sa hindi baba sa PHP70,000.00. Depende pa rin iyon sa kung saan ka nakatira.
Iba pang dahilan
Ang mga sumusunod ay ilang rason na maaaring gamiting para palitan ang last name:
Dapat may VALID REASON ka para magpalit ng LAST NAME, ang mga valid reasons ay ang mga sumusunod:
a) Ang
(b) Ang pagpalit ng pangalan ay dahil sa legal action tulad ng legitimation/ adoption, etc.
(c) Ang pagpalit ng pangalan ay makakaalis ng confusion;
(d) Ang isang tao ay kilala sa Pilipinong pangalan mula pagkabata at hindi alam na may magulang na dayuhan.
(e) Nais magkaroon ng Pilipinong pangalan para at burahin ang dayuhang pagkakakilanlan. Ito ay isasagawa sa legal na rason at walang maidudulot na pinsala sa ibang tao.
(f) Ang LAST NAME ay nagdudulot ng kahihiyan at papalitan ito na walang masamang mithiin at hindi magdudulot ng pinsala sa kahit sino.
Paano palitan ang iyong LAST NAME sa PSA Birth Certificate


Tanong lang po magkano po ang magagastos pag pinaayos birth certificate ko kase po apelyido at middle name ng mama ko nalagay sa birth certificate ko eh simula po nung nag aral ako apelyido ng papa ko gamit ko sa mga I’d at deploma ko.
Kung kasal po yung parents ninyo, magfile po kayo Legitimation and PHP10,000 po registration fees niya. Pag hindi po sila kasal, kailangan niyo po magsubmit ng Affidavit to USe the Surname of the father. Di na po ako updated sa bagong registration fees ng LCR, pero pwede niyo po sila tawagan para malaman ang registration fees nila.
Magkano po Ang registration fee pag hndi po kasal Ang mga magulang
hi po . Paano po kapag ang papalitan ang apelyedo ng pamangkin ko kasi yung tatay ng pamangkin ko ay hindi din naka rehistro ang birth cirtificate bali ang lalabas na buong name ng bayaw ko ay Name:Vergel
Apelyedo ng mama niya: Pujedo
edi ang lalabas po na buong pangalan ng pamangkin ko ay
Name:Liamver
Apelyedo ng kapatid ko:Matias
Apelyedo ng bayaw ko: Pujedu
ganun po ba? tsaka magkano po kaya ang magagastos nung sa case ng pamangkin ko. Salamat po.
ipa-late registration niyo po silang dalawa sa inyong local civil registrar – yung gastos po ay depende sa rate ng LCR + gastos sa mga affidavit.
Hello mag kanu po kaya gagastosin kung papalitan ko apelyido ng anak ko sa tatay nya kc apelyido ko lang nilagay ko sa birth certificate nya gusto na kc ng tatay nya e apilyedo na sa kanya
punta po kayo sa local civil registrar sa inyong lugar para malaman ang gagastusin sa pagpalit.
Hello po tanong lang po, may birth certificate napo yung anak ko at hindi pa po nakaregister kasi gusto kopo palitan yung apelido niya po dahil sa kanya po ama yung dala niya po at gusto ko pong apelido ko na ang dalhin niya po gawa ng hiwalay napo kmi ng ama niya at hindi nman po nagsususteno at hindi din po kami kasal.
Pag wala pa pong Birth Certificate na nakarehistro sa Local Civil Registrar (LCR), pwede niyo pa pong gamtin ang apelyido ninyo. Pag meron na pong LCR Birth Certificate, kailangan po sa magkaso sa korte para palitan.
Hello po , dipa po naka rehistro live birth ng baby ko , apelyido ko po ang gamit nya . Pwede po bang palitan yun ng apelyido ng tatay nya ?
Pag hindi pa po nakarehistro, pwede pong gamitin ang apelyido ng ina
Goodmorning paano po yun kasi na legitimate n yung asawa ko pd n po niya gmitin apelyido ng tatay niya kaso ang anak nmn po nmin ang gngmit n apelyido ay sa nanay ng asawa ko anu po kya pwedeng gWin
Kailangan niyo po mag file ng Change of Name po sa korte
Hello po.. Pano po Palitan Ang apelyedo ng baby..Ibang apelyedo po ng tatay ang Nakalagay sa Birth certificate..ako po ang tunay na ama ng baby.. tnx
Kailangan niyo po ng Petition sa korte. Kailangan niyo rin po ng abogado.
Hello po, pano po kung yung apelyido po ng nanay ko yung nakalagay sa bc ko hindi po ang tatay ko, pero ang ginagamit ko pong apelyido ay yung sa tatay ko. pero may pirma po siya sa likod ng bc na inaackledgement po niya anak niya ako. ano pong dapat gawin?
Depende po sa kung kailang kayo naipanganak at kung kasal ang magulang ninyo. Kapag February 24 2004 to 2023, pumunta po kayo sa Local Civil Registrar para ipa-correct ang inyong Birth Certificate. Kung pinanganak kayo bago February 24, 2023, kailangan ninyo mag-file ng Petition for Change of Name. Pero kung kasal po ang magulang ninyo, pumunta lang po kayo sa LCR para ipacorrect.
Ma’am pwedi Po nagtanong
Ang pangalan ko Po
Jesus j*** jr
Mama ko Po
Leo*** j****
Papa ko Po
Je*** s****
Pero Hindi Po Sila kasal
Pwedi Po bang maging
Jes** j** sor**** Ako
Hindi Po Sila kasal pero may Jr Po Ako Tanong lang Po magkano po nagagastos sa pagdagdag ng apelyedo ng tattay ko
Depende ponkung kailan kayo ipinanganak. Pag 1990s pataas, pwede po basta papayag ang tatay niyo na gamitin niya apelyido niya. Kailangan lang po niyang magsign ng forms sa LCR at ipanotaryo. Sa gastos po depende po sa fees ng notaryo at registration fee ng inyong LCR.
Pahelp po, nung elementary po me surname ng totoong father ko gamet ko, then nghighschool college until ngwork ako apelyido n ng stepfather ko pinagamit sken ng mother ko dhil d n ngpakita p totoong father ko… nung kumuha po ako PSA nklagay po s surname ko is surname ng mother ko at wala ako middle initial, pero nkapirma po stepfather ko don s bc ko n inaacknowledged nya me as child.. kumuha n po ako ng mga affidavit pra maayos pero hindi prin po naapproved kc nsilip po don unang kasal ng mother ko… at need daw po ipaannual muna… 20yrs n po n hiwalay true father ko at mother ko, bago ngpakasal ulet mother ko s stepfather ko… ano po kaya pwede ko gawin? At my money involved po kya s pgprocess? Mgkano po kaya abutin? Thankyou po s pgsagot… GODBLESS
Narito po ang aming sagot sa inyong tanong.
https://www.ikigaisimplicity.com/qa-mga-tanong-tungkol-sa-pagpapalit-ng-pangalan-galing-sa-comment-section-part-1/
ipinanganak yung anak ko 2008 at kinasal kami ng misis ko 2010 ang nakalagay kasi sa psa birth cert. ng anak ko ay nasa apelido sya ng misis ko, ano ho pwede naming gawin para maiayos at mailagay sya sa apelido ko kahit grade 10 na sya ngaun, nasa puder ko mga anak ko misis ko ofw di kami hiwalay na maayos naman kami, di naman maiayos noon kasi mahal daw ang babayaran nagbabakasakali na may makatulong at makakuha ng magandang sagot,
File po kayo ng “Legitimation” sa inyong local civil registrar para palitan apelyido ng anak ninyo. Magrerequire lang po sila ng Marriage Certificate, other forms, at payment na PHP10,000 (kung hindi tinaas ng government).
Magpapakasal sana kami kaso Yung live in partner ko Walang middle name at Mali Ang apelyedo ano po Ang dapat Gawin.
Narito po ang aming sagot sa inyong tanong.
https://www.ikigaisimplicity.com/qa-mga-tanong-tungkol-sa-pagpapalit-ng-pangalan-galing-sa-comment-section-part-1/
tsaka about poh sa registry no.para saan poh yun ilang buwan na lang kaci magbbirthday na anak ko wala pang binyag kaci di pa naasikaso ung birth nia
papanu poh namen papalitan ung apelyido ng bata para maging apelyido sa tatay kaci nung nasa hospital poh kame pipirma na sana cia kaso di tinanggap hinanapan pa cia ng cedula ei hindi naman poh kame kasal di poh tinanggap ung i.d na nasa kanya kaya di cia nakapirma ung akeng apelyido ung gamit ng bata hindi sa tatay
punta po kayo sa LCR para mag file ng Affidavit to Use Surname of the Father
panu po papalitan apelyido ng anak ko sa apelyido sa tatay kaci nung nasa hospital kame hinanapan pa ung asawa ko ng cedula di tinanggap ung i.d
Narito po ang aming sagot sa inyong tanong.
https://www.ikigaisimplicity.com/qa-mga-tanong-tungkol-sa-pagpapalit-ng-pangalan-galing-sa-comment-section-part-1/
Tanong ko lang po di po kasi kami kasal ng asawako po tapos po yung livebirth/birth certificate po kasi ng anak ko sa ospital Last name ko po yung nilagay .. ano po bang dapat gawin para po mabago yung last name ng baby namin at magamit po ng bby namin yung last name ng asawako po
Narito po ang aming sagot sa inyong tanong.
https://www.ikigaisimplicity.com/qa-mga-tanong-tungkol-sa-pagpapalit-ng-pangalan-galing-sa-comment-section-part-1/
Apelyedo ng panganay ko ay sakin gusto ko sana palitan ng apelyedo sa papa nya dko pa napa PSA ung birth nya ano kaya po pwedeng gawin mag pa change ng surename
sa susunod na post namin sasagutin ang katanungan ninyo.
Ang last name Po Ng anak ko sa tatay nya pero Po di Po kami kasal Ng tatay nya at noon pa lamang ay iniwan at pinabayaan na Po kami Lalo na nong nag pamilya na Po sya Ng Bago .Ngayon Po gusto Po sana Namin Ng Asawa ko Ngayon na palitan last name Ng anak ko magkano po kaya Ang pwde ma gastos.thank you Po
Kailangan po ninyong mag-file ng Adoption. Punta po kayo sa pinakamalapit na DSWD para magtanong sa adoption dahil sila po nagpro-process ng adoption.
Ask ko lang po kung magkano magagastos para ilagay sa pangalan ko yung apelyido po ng bata kasama na po yung bayad sa attorney kung meron po? Salamat po