Paano palitan ang iyong LAST NAME sa PSA Birth Certificate (kung hindi wrong spelling). Sa unang article na Paano palitan ang pangalan sa PSA Birth Certificate? , tinalakay antin ang pagpalit ng pangalan kung merong wrong spelling, typographical errors, baby girl, baby boy ang pangalan. Ngayon ay tatalakayin natin ang pagpalit ng pangalan kung walang typographical errors/ wrong spelling sa pangalan.
Wrong Spelling
Kung wrong spelling ang iyong LAST NAME o magpapalit ka dahil nagpakasal ang iyong magulang, basahin ito:
Paano palitan ang pangalan sa PSA Birth Certificate?
Apelyido ng Nanay at Nais Ipalit sa Tatay
Kung ang apelyido mo ay apelyido ng nanay mo at nais mong gamitin ang apelyido ng tatay mo, narito ang sagot namin:
Paano Gawing Apelyido ng Tatay ang Apelyido Mo?
Last Name ng Step Father o Ibang Tao
Kung nais mong palitan ang apelyido ng iyong anak sa apelyido ng hindi niya tatay, kailangan ng Adoption na maaring gawin sa DSWD. Maaaring hindi kailanganin ang abogado sa DSWD para sa adoption kung kasal kayo ng kanyang step father.
Gamitin ang Last Name ng Nanay
Kung ang apelyido mo ay sa tatay mo at nais mong gamitin ang apelyido ng iyong ina. Kailangan mong pumunta sa korte para ito ay mapalitan. Magkakaroon ng hearing at maproseso.
Ibig sabihin kailangan kailangan mong bayaran ang Acceptance Fee, at appearance fee ng iyong attorney na maaaring aabot sa hindi baba sa PHP70,000.00. Depende pa rin iyon sa kung saan ka nakatira.
Iba pang dahilan
Ang mga sumusunod ay ilang rason na maaaring gamiting para palitan ang last name:
Dapat may VALID REASON ka para magpalit ng LAST NAME, ang mga valid reasons ay ang mga sumusunod:
a) Ang
(b) Ang pagpalit ng pangalan ay dahil sa legal action tulad ng legitimation/ adoption, etc.
(c) Ang pagpalit ng pangalan ay makakaalis ng confusion;
(d) Ang isang tao ay kilala sa Pilipinong pangalan mula pagkabata at hindi alam na may magulang na dayuhan.
(e) Nais magkaroon ng Pilipinong pangalan para at burahin ang dayuhang pagkakakilanlan. Ito ay isasagawa sa legal na rason at walang maidudulot na pinsala sa ibang tao.
(f) Ang LAST NAME ay nagdudulot ng kahihiyan at papalitan ito na walang masamang mithiin at hindi magdudulot ng pinsala sa kahit sino.
Paano palitan ang iyong LAST NAME sa PSA Birth Certificate


Hello po ask KO Lang, pinaampon po Kase ako Bali gamit KO apelyedo at middle namen Ng tunay KO mga magulang, Hindi kase nila Kaya ako buhayin may noon, and 18years may record ako with PSA gusto KO Sana palitan ko md/last name KO SA pumampon saken, ano po pwede KO gawen, at magkano magagastos KO,
Kung legal po yung adoption sa inyo, ipapa-rehistro niyo po yung decision ng korte sa LCR kung saan kayo nakarehistro. Kapag hindi po, punta po kayo sa DSWD at tanungin ang proseso ng adoption for adults.
Hello po
Ano Po need ,,gusto ko po palitan Ang apelyido nang anak ko,Ang NAka apelyido Po sa kanya Hindi niya Po tunay na ama pero dipo kami kasal
Kaso Po NAka registered napo Siya sa PSA
ANO PO NEED PARA MAPALITAN
Kailangan niyo po mag file ng correction of entries under Rule 108 sa korte.
Magkano po kaya ang gastos ?