Maaari bang gamitin ng anak ang apelyido ng kanyang ina kahit kasal ang magulang
Narinig mo na ba ang mga katanungan na ito?
Kasal ang mga magulang subalit sila ay naghiwalay, maaari bang palitan ang apelyido ng bata at gawing apelyido ng ina?
Ayokong gamitin ang apelyido ng aking ama dahil hindi ko pa siya nakikita, pwede po ba?
Pangit ang apelyido ng aking ama, pwede ko po bang gamitin ang apelyido ng aking ina?
Ang sagot ay OO.
Ayon sa Korte Suprema sa kanilang desisyon sa kasong Anacleto Ballaho Alanis III Vs. Court of Appeals et al. (G.R. No. 216425. November 11, 2020), ang lehitimong anak ay maaaring gamitin ang apelyido ng ina. Ito ay ayon sa Article 364 of the Civil Code at Article II, Section 14 ng 1987 Constitution.
Ang bata ay maaaring gamitin ang apelyido ng ina o ama kahit kasal ang magulang. Binago nito ang pananaw ng karamihang Pilipino na apelyido lamang ng ama ang puwedeng gamitin ng bata kapag kasal ang magulang.
Ang desisyon na ito ay naayon sa equality of genders kung saan pantay dapat ang karapatan ng babae at lalaki kahit sa pagpapangalan ng anak. Ano ba ang kwento ng Anacleto Ballaho Alanis III Vs. Court of Appeals et al.?
Sa nasabing kaso, nais palitan ni Mr. Alanis ang kanyang apelyido dahil ang kanyang ina ay single mother at siya ang kanyang nagsilbing ama at ina mula pagkabata. Ang kanyang petition para palita ang apelyido ay hindi pinagbigyan ng unang korte. Ayon sa Regional Trial Court (RTC), hindi raw niya maaaring gamitin ang apelyido ng ina dahil ang nakalagay sa batas ay dapat gamitin ng bata ang apelyido ng ama.
Sabi ng Art. 364 ng Civil Code ay ang apelyido ng ama ang pangunahing apelyido na gagamiting ng bata. Ito ay inapela ni Mr. Alanis hanggang umabot sa Korte Suprema.
Ayon sa desisiyon ng Korte Suprema na isinulat ni Supreme Court Justice Leonen, ang sabi ng Art 364 ng Civil Code ay “pangunahin“ hindi “ekslusibo“ na apelyido ng ama ang gagamitin ng bata. Ang Konstitusyon ng Pilipinas ay naniniwala sa partisipasyon ng kababaihan sa pagpapaunlad ng bansa (Art. 11, Sec. 14. 1987 Constitution). Sa kadahilanang ito, maaaring gamitin ng bata ang apelyido ng ina.
Paano Palitan ang Apelyido ng Anak para Magamit ang Apelyido ng Ina?
Kung bagong silang ang bata, ilagay sa birth certificate ang nais na apelyido – kung ito ba ay apelyido ng ama o ina.
Kung mayroon ng Birth Certificate, kailangan maghain ng kaso sa korte (Correction of Entries) upang mapalitan ang apelyido.
Anonymous says
Pwedi po bang gamitin ng anak ko ang apelyedo ko pero ang ginagamit niya ngayon apelyedo ng ama niya, kasi ang problema is inabanduna kami ng ama niya at Hindi nakakapag sustento simula nang nag Hiwalay kami. Sa ngayon single parent po ako
Simplify says
Kailangan niyo po mag file ng Petition for Correction of Entries sa Korte kaso magastos po siya kasi kailangan niyo ng abogado. Hintayin niyo po ng konti kung may bagong batas para madali ng palitan yung apelyido from father to mother. Sa ngayon po court procedure siya with publication.
Jen says
Okay lang po ba na gamitin ng magiging baby ko yung apelido pero ang nakalgay pa din ang panaglan ng kanyang ama sa name of the father?.
Simplify says
maaari kung illegitimate ang bata.
Sha*** Cam*** Pa*** says
Saan po ako maaaring pumunta para maghain ng kaso for Correction of entries po para mailipat na po sakin ang apelyido ng anak ko…at ano po ang mga kailangan para mapabilis ang proseso
Simplify says
Kailangan niyo po magfile ng kaso sa korte. Punta po kayo sa lawyer para matulungan kayo sa pag-prepare.