• Skip to primary navigation
  • Skip to main content
  • Skip to primary sidebar
  • Skip to footer

Ikigai Simplicity

Minimalism and Zen Life.

  • Laws and Public Service
  • BLOG
    • Minimalism For Filipinos
    • Public Service
  • How Filipinos Save Money

Paano palitan ang iyong LAST NAME sa PSA Birth Certificate

Home » Blog » Paano palitan ang iyong LAST NAME sa PSA Birth Certificate

Public Service · January 19, 2019

Paano palitan ang iyong LAST NAME sa PSA Birth Certificate (kung hindi wrong spelling). Sa unang article na Paano palitan ang pangalan sa PSA Birth Certificate? , tinalakay antin ang pagpalit ng pangalan kung merong wrong spelling, typographical errors, baby girl, baby boy ang pangalan. Ngayon ay tatalakayin natin ang pagpalit ng pangalan kung walang typographical errors/ wrong spelling sa pangalan.

Wrong Spelling

Kung wrong spelling ang iyong LAST NAME o magpapalit ka dahil nagpakasal ang iyong magulang, basahin ito:
Paano palitan ang pangalan sa PSA Birth Certificate?

Apelyido ng Nanay at Nais Ipalit sa Tatay

Kung ang apelyido mo ay apelyido ng nanay mo at nais mong gamitin ang apelyido ng tatay mo, narito ang sagot namin:

Paano Gawing Apelyido ng Tatay ang Apelyido Mo?

Last Name ng Step Father o Ibang Tao

Kung nais mong palitan ang apelyido ng iyong anak sa apelyido ng hindi niya tatay, kailangan ng Adoption na maaring gawin sa DSWD. Maaaring hindi kailanganin ang abogado sa DSWD para sa adoption kung kasal kayo ng kanyang step father.

Gamitin ang Last Name ng Nanay

Kung ang apelyido mo ay sa tatay mo at nais mong gamitin ang apelyido ng iyong ina. Kailangan mong pumunta sa korte para ito ay mapalitan. Magkakaroon ng hearing at maproseso.

Ibig sabihin kailangan kailangan mong bayaran ang Acceptance Fee, at appearance fee ng iyong attorney na maaaring aabot sa hindi baba sa PHP70,000.00. Depende pa rin iyon sa kung saan ka nakatira.

Iba pang dahilan

Ang mga sumusunod ay ilang rason na maaaring gamiting para palitan ang last name:

Dapat may VALID REASON ka para magpalit ng LAST NAME, ang mga valid reasons ay ang mga sumusunod:

a) Ang pangalan ay katawa–tawa, nakakainsulto, napakahirap bigkasin o isulat;

(b) Ang pagpalit ng pangalan ay dahil sa legal action tulad ng legitimation/ adoption, etc.

(c) Ang pagpalit ng pangalan ay makakaalis ng confusion;

(d) Ang isang tao ay kilala sa Pilipinong pangalan mula pagkabata at hindi alam na may magulang na dayuhan.

(e) Nais magkaroon ng Pilipinong pangalan para at burahin ang dayuhang pagkakakilanlan. Ito ay isasagawa sa legal na rason at walang maidudulot na pinsala sa ibang tao.

(f) Ang LAST NAME ay nagdudulot ng kahihiyan at papalitan ito na walang masamang mithiin at hindi magdudulot ng pinsala sa kahit sino.

Paano palitan ang iyong LAST NAME sa PSA Birth Certificate

Filed Under: Public Service

Previous Post: « How to apply for Postal ID in Baguio City 2019
Next Post: Free Lesson Earn Money with STOCKS »

Reader Interactions

Comments

  1. Nat*** Graci*** Tri*** says

    September 14, 2022 at 11:35 am

    Gusto ko po sanan ipaalis ang apelyedo ng ama sa live birth ng anak ko..ano po pwed kong gawin..Salamat

    Reply
    • Simplify says

      November 19, 2022 at 2:02 pm

      Pwede po kayong mag-file ng Petition sa court. Bumisita po kayo sa lawyer para matulungan kyo sa paggawa ng Petition.

      Reply
      • Julie Ann Marilla says

        January 4, 2023 at 8:02 pm

        Simula Po Kase Ng pagkabata ko gamit ko pong apelyido sa papa ko late ko Ng nalaman na apelyido Pala Ng nanay ko Ang NASA birth cert. Ko ano Po Ang best way Gawin?Kase Po lahat Ng records at valid id ko Po apelyido Po Ng tatay ko

        Reply
        • Simplify says

          October 25, 2023 at 2:58 pm

          Punta po kayo sa LCR, ipakita niyo po birth certificate niyo at marriage certificate ng magulang ninyo.

          Reply
  2. Anonymous says

    September 6, 2022 at 2:48 pm

    Hello po! Pwede ko po kayang ipa alis ang middle name ko sa birth certificate? Ang surname ko po ay surname ng nanay ko at ang middle initail ko po ay ang middle initial din po ng nanay ko parang lumalabas po kasi kapatid ko ang nanay ko. Saan ko po pwedeng ipa ayos ang errors sa birth ko po? Salamat po

    Reply
    • Simplify says

      November 19, 2022 at 2:05 pm

      Sa local civil registrar kung saan po nakarehistro ang inyong birth certificate.

      Reply
  3. Myl*** Im*** says

    September 6, 2022 at 6:32 am

    Ang apelido ko po ay IMPANG at lage ako na bully na IMPANGE AT AMPANGHE PEDE KO PO BA PALITAN NG APELIDO NG MAMA KO GAMITIN KO FRANCO

    SALAMAT PO.

    MAGKANO PO ANG MAGAGASTOS KO IF EVER.

    Reply
    • Simplify says

      November 19, 2022 at 2:06 pm

      Pwede po kayong magfile ng Petition for Change of Name sa korte. Depende po yung price sa kukunin ninyong abogado.

      Reply
  4. Anonymous says

    August 26, 2022 at 10:00 am

    tanong ko lang po sana paano palitan ang apelyedo ng pamangkin ko, pumanaw na kasi kapatid ko noong March 2022 at hindi naasikaso yung birth certificate ng mga bata. ano pong dapat gawin para mapalitan po ng apelyedo niya

    Reply
    • Simplify says

      November 19, 2022 at 2:36 pm

      Mas mabuti po na kumunsulta kayo sa lawyer or sa local civil registrar ninyo.

      Reply
  5. harold says

    August 10, 2022 at 5:33 am

    gusto kupo malaman. sa psa kupo apilido ng nanay ko tas wala poh nakalagay midlename ko tas mula nag aral ako anga ngaun apilido ng tatay ko gamit ko . panu kupo mapapalitan ung apilido ko sa psa . para masunod ko apilido ng tatay kopoh…

    Reply
    • Simplify says

      November 19, 2022 at 2:35 pm

      Mag file po siya ng Affidavit of Paternity sa inyong local civil registrar

      Reply
  6. evs says

    July 21, 2022 at 11:33 pm

    hello. ask ko lang kasi ung kilala ko ang nailagay na apelyido sa knya ay yung first name ng tatay ng tatay nya. ano po kayang gagawin

    Reply
    • Simplify says

      July 28, 2022 at 1:40 pm

      Sumangguni po kayo sa inyong local civil registrar para ipaayos ang birth certificate. Kapag hindi po maaari sa LCR ay kailangan niyo pong sumangguni sa abogado.

      Reply
      • Kim**** Tañ** says

        September 27, 2022 at 12:08 pm

        Papalitan ko po sana yong apelyido ng anak ko since legitimate child po siya and balak ko po sana yong apelyido ko po gagamitin ng anak ko. Pano po yon?

        Reply
        • Simplify says

          November 19, 2022 at 1:59 pm

          Kung wala pa po siyang birth certificate, pwede niyo po na ilagay ang apelyido niyo. Pag registered na po kailangan niyo mag-file ng Petition for Change of Name.

          Reply
  7. 25844 says

    July 19, 2022 at 12:10 pm

    paano po kong magbabawas ka ng pangalan tulad ng: ang pangalan ng nanay ko ay pamela rosa ngunit sa birthcertificate na dinadala namin lahat ng magkakapatid ay pamela lang po. Ano po ba ang gagawin namin ?
    nawa’y matulugan niyo po ako. salamat po sa sagot.

    Reply
    • Simplify says

      July 28, 2022 at 1:39 pm

      Pumunta po kayo sa inyong Local Civil Registrar para mag pa correct ng clerical errors

      Reply
  8. Anonymous says

    November 28, 2020 at 9:51 am

    gusto ko po sana palitan Yong middle ng anak ko ma’am kc mali poh nailagay kong middle name nila

    Reply
    • Simplify says

      March 6, 2021 at 3:48 pm

      Kailangan niyo pong mag file ng correction of entries sa korte

      Reply
      • Ma** A. Sil*** says

        September 30, 2022 at 3:34 pm

        Mark Liam Dave po name ng anak ko, dapat po kasi Liam lng, di po kasi ako ung nagregister, ung papa nya po. Ang papa nya po is Mark Lester Dave , dibale nasunod po saknya. Ang hirap po kasi bata na bigyan ng mahabang name. Di papo kmi nakakapag Psa. Mababawasan ko po ba ito?

        Reply
        • Simplify says

          November 19, 2022 at 1:58 pm

          Mas mabuti po na mag-inquire kayo sa inyong Local Civil Registrar kung saan naiparehistro ang inyong anak.

          Reply
  9. K**** says

    September 16, 2019 at 10:19 pm

    Pano ko po mapapalitan ang lastname ng anak ko kasi yung lastname na nailagay ko ay hindi nya totoong ama

    Reply
    • Shaira Camille Patiag says

      July 25, 2022 at 4:27 pm

      paemail naman po please kung my sumagot sa tanong nyo…kasi same po tau ng case
      need ko din palitan ng last name ung anak ko kasi hindi naman un tunay na ama…

      Reply
      • Raq** marci** says

        August 19, 2022 at 4:56 am

        Ganyan din po ang case ko sa apelido ng anak ko.pano po ang dapat gawin kung dumating na yung tunay na ama.at gusto na ilipat sa apelido ng tunay na ama?pls answer po.

        Reply
        • Simplify says

          November 19, 2022 at 2:40 pm

          Kailangan niyo po magfile ng kaso sa korte. Sumngguni sa abogado po para matulungan kayo.

          Reply
    • Abegail Mojares says

      August 12, 2022 at 11:04 pm

      Nasagot po ba ang tanong nyo?? Ito din kasi ang problema ko.. ano po ba pwedeng gawin.? Salamat

      Reply
      • Anonymous says

        October 11, 2023 at 2:50 am

        Nag-palit na po ako ng surname ko from my mother’s surname to my father’s surname. Approved na po nang LCR at Psa na lang po ang need ko. Ano po ba ang dapat ilagay sa online form kapag kukuha nang psa. Yung dating surname or yung bago po?

        Reply
        • Simplify says

          October 18, 2023 at 7:19 pm

          Ilagay mo ang bagong surname, kung approved na sa PSA ito ang mage-generate.

          Reply
        • Anonymous says

          June 6, 2024 at 12:18 am

          Gud am po anu po requirements niyo po sa pagpalit ng mothers surname to fathers surname ganyan den kasi problem ko hope mka reply po kau sa akin salamat

          Reply
          • Simplify says

            October 4, 2024 at 11:23 am

            Depende po yan sa sitwasyon, mas mabuti po na magtanong kayo sa LCR kung saan kayo naka rehistro. libre naman po doon.
            Madalas po may forms na po na pupirmahan ang tatay mula sa LCR.

    • Jessica dizon says

      February 7, 2023 at 3:56 pm

      Paano Po ba mag palit Ng apilido lumabas Po kxe sa PSA Ng. Anak ko apilido ko Hindi Po apilido Ng papa nya TAs wrong spelling pa Po Yung name nya

      Reply
      • Simplify says

        March 16, 2023 at 4:36 pm

        sa susunod na post namin sasagutin ang katanungan ninyo.

        Reply
  10. Anonymous says

    June 28, 2019 at 4:00 pm

    Sa akin po true name kasi po nakalagay doon baby girl now po gusto kona sya palitan ng dinadala kong pangalan ngayon

    Reply
    • admin says

      July 6, 2019 at 3:24 pm

      Pachange po kayo ng name through LCR kung saan nakaregister pangalan niyo, punta lang po kayo doon for inquiries.

      Reply
      • francis says

        December 7, 2022 at 11:11 am

        sa akin po kc since napo ginagamit ko na last name pero po nung kumuha po ako nso copy iba po lumabas na last name ko tama naman po lahat ng detail maliban po sa last name ko pano po kaya gagawin ko sana po matulungan nyo ako salamat po

        Reply
        • Simplify says

          March 16, 2023 at 4:32 pm

          sa susunod na post namin sasagutin ang katanungan ninyo.

          Reply
      • Sid says

        March 16, 2023 at 4:16 pm

        Nalaman ko ho after 7 years na hindi ako ang tatay at pinakaako sakin lahat pati sustento. Pano po kaya mapapalitan ang pangalan, at ano pong ibang Legal actions ang pwede kong gawin. Maraming salamat ho sana magreply sa email 🙂

        Reply
        • Simplify says

          March 16, 2023 at 4:38 pm

          Kailangan niyo po na kumunsulta sa abogado para sa inyong problema.

          Reply
          • Anonymous says

            August 10, 2023 at 1:34 pm

            Tanong lang po kung paano at magkano babayaran pag pinaayos po birth certificate ko kase po apelyido ng mama ko nung dalaga nakalagay don pero simula po nung nag aral ako apelyido po ng papa ko gamit ko.

          • Simplify says

            October 25, 2023 at 2:38 pm

            Depende po sa reason kung bakit apelyido ng nanay ninyo gamit ninyo.

Newer Comments »

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Primary Sidebar

Archives

Read Me

  • How Filipinos Save Money
  • Public Service
  • Minimalism For Filipinos
  • Free Money lessons in Filipino

Search My Website

Footer

Search my Website

Privacy Policy

Archives

Copyright © 2026 · Showcase Pro on Genesis Framework · WordPress · Log in