• Skip to primary navigation
  • Skip to main content
  • Skip to footer

Ikigai Simplicity

Minimalism and Zen Life.

  • Laws and Public Service
  • BLOG
    • Minimalism For Filipinos
    • Public Service

Mechanics of creating a habit

Home » Blog » Mechanics of creating a habit

ikigai and simplicity · December 8, 2016

Ang pagbuo ng isang habit ay simple lamang pero nagiging mahirap dahil sa napakaraming hadlang na pumipigil sa atin. Tandaan na ang habit na pipiliin mo ay makabubuti kung connected siya o tutulungan ka niya para maabot ang goals mo sa buhay. Kunwari, gusto mong magpapayat o makaipon. Piliin mo ang habit na pag-ipon araw-araw o pag-exercise. Kapag naging habit mo na ito, automatiko na itong ginagawa ng katawan mo at hindi ka na lagi ka ng mag-iipon o mag-eexercise.

Bakit kailangang magkaroon ng habit?

Ano ang hakbang sa pagbuo ng Habit?

  1. Mamili ng isang madaling habit na gagain mo araw-araw. Halimbawa, pagtabi ng P20 o P10 sa coin bnk araw-araw o kaya stretching. Sa akin ay pinili ko ang pagsulat sa aking blog sa araw-araw, kaya mapapansin niyo na magiging everyday ang aking mga posts.
  2. Mamili ng trigger para i-connect sa habit. – Bagay na ginagawa mo araw-araw tulad ng breakfast, o coffee, o yung paggising sa araw-araw. ano ba ang trigger? Naisulat ko ang tungkol sa trigger sa post na ito.
  3. Magset-up ng reminder para hindi mo makalimutan na gawin ang habit pagkatapos ng trigger.
  4. Gawin ang habit pagkatapos mismo ng trigger araw-araw. Halimbawa, ang habit na gusto kong gawin sa buwan na ito ay ang pagsusulat, ang trigger ko ay ang paggising sa umaga. So, pagkagising ko sa umaga, sisimulan ko na ang pagsusulat. Yung iba para makaipon, maglalagay sila ng coin bank sa pinto, at maghuhulog ng coin pag aalis na sila (araw-araw ang klase o trabaho).
  5. Isipin na kapag nagawa mo ang habit na iyon ay matutuwa ka at kapag hindi ay negative ang feeling mo. Kailabngan ito para mas pipiliin mong gawin ang iyong habit.
  6. Matapos mo itong gawin ng matagal , mga 4 – 6 weeks, magiging automatic na ito at hindi mo na kailangan ng reminder.

Tandaan na kailangan ng oras at consistency (gaano kadalas mo ginagawa) para maging automatic ang habit mo. Hindi ito magagawa ng isang linggo lang. Ang pagkamit ng pangarap ay hindi biglaan, kailangan ng effort at oras para makamit ito. Kung gusto mong magtravel, kailangan mong mag-ipon at magplano. Gunun din pagkamit ng goals mo.

 

Other types of Habit:

  1. Forming a habit – Daily, weekly, monthly, weekende etc.
  2. Quitting a habit – Ito ay tatalakayin natin sa susunod na mga posts. Ito ay ang pagtigil mo sa isang kinaugalihan mo pero nahihirapan ka tulad ng pagquit ng smoking.

 

Share this:

  • Click to share on Facebook (Opens in new window) Facebook
  • Click to share on Pocket (Opens in new window) Pocket
  • Click to email a link to a friend (Opens in new window) Email
  • Click to share on X (Opens in new window) X

Like this:

Like Loading...

Related

Filed Under: ikigai and simplicity

Previous Post: « Happiness that depends on others
Next Post: Give yourself a time to heal »

Reader Interactions

Leave a ReplyCancel reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Footer

Search my Website

Privacy Policy

Archives

Subscribe to Blog via Email

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 212 other subscribers

Copyright © 2025 · Showcase Pro on Genesis Framework · WordPress · Log in

%d