Anu-ano ang mga Text at WhatsApp Scam sa Pilipinas ? Matapos ang SIM registration, marami pa rin ang nagiging biktima ng scam sa Pilipinas. Para makaiwas sa mga scam na ito, kailangang malaman natin kung anu-ano ang mga Text at WhatsApp Scam sa Pilipinas at kung paano nila ito ginagawa.
TEXT SCAMS NA MAY LINKS MULA SA BDO, BPI, APPLE, etc.
Ang text scam na ito ay magsasabi na mayroong mali sa iyong bank account. gcash, maya, apple o kung anu-ano pang subscription o account na mayroon ka. MAgse-send din sila sa iyo ng link para mailagay mo ang mga detalye ng account mo. Ang halimbawa ng mga text na ito ay ang mga sumusunod:
Gagamit sila ng link na may nakalagay na phstore o OnlineBDO para maniwala ang nakatanggap, ngunit madali lamang palitan ang link ng isang fake website gamit ang bitly o mga shorten links sa internet. Tandaan na huwag pindutin o i-click ang mga link at i-block ang mga numbers na ito.
TASKS O TRABAHO SCAMS SA TEXT AT WHATSAPP
Marami na ang nabiktima ng trabaho scams kung saan magkukunwari ang “agent” na sila ay mula sa isang totoong kumpanya tulad ng Microsoft, Apple, Google, at kung anu-ano pang kilalang kumpanya. Madalas ay sa Whatsapp sila tatawag o magsesend ng message. Kadalasan ay alam nila ang totoo mong pangalan dahil kukunin nila ang personal details mo sa linked, jobstreet, at iba pang online job search. Magkukunwari sila na nagha-hanap ng empleyado o may job hiring, pero gusto lamang nila na makuha ang iyong phone number at pangalan.
Ang una nilang gagawin ay magse-send ng simple task kung saan ay ikaw ay babayaran ng PHP100 o mahigit. Habang tumatagal ikaw ay mag-de-deposit sa iyong “account” ng pera, ngunit matapos kang mag-deposito, mawawalan ka ng access sa nasabing account at wala na ang pera na iyong pera.
Ang halimbawa ng trabaho scam na ito ay:
Kung mapapansin ninyo, gumagamit sila ng legitimate business kaya kahit i-search mo sa google ay magmimistulang legitimate siya. Ngunit sila ay hindi konektado sa mga kumpanya na nabanggit. Kung ikaw ay magtatanong, narito ang kanilang reply:
Ang ganitong scam ay mababasa sa website ng Anti-Cyber Crime Group ng PNP.
Kapag nailabas mo na ang pera, mahihirapan kang bawiin ito dahil mahirap hanapin ang mga scammers na ito.
Anu-ano ang mga Text at WhatsApp Scam sa Pilipinas at Paano Makakaiwas dito.
- I-block ang kanilang numero, at huwag magcli-click ng kahit na anong link.
- Iwasan na magpadala ng pera sa hindi kakilala gamit ang Gcash o Instant Transfers.
- Huwag mag-i-install ng kahit anong app na humihingi ng “permissions” sa iyong cellphone dahil pwede nitong makita ang iyong contact lists at text messages. Kung ikaw ay nakapag-install ng app, ifactory reset ang iyong phone para maalis lahat ng permissions.
- Kung may nais bilhin sa isang online store, i-request na gumamit ng Cebuana, Palawan o Western Union dahil required sila na ilagay ang totoong pangalan at address. Sa ganitong paraan, may pagkakataon ka na hanapin ang scammer. Maliban na lamang kung gumamit sila ng peke na ID at identity.
Ano ang puwede mong gawin kapag ikaw ay biktima ng scam sa GCash?
Tandaan na ang mga ito ay puwede mong gawin ngunit walang katiyakan (guarantee) na makukuha mo ang iyong pera.
- Pumunta sa Police ACG para i-report ang nangyaring insidente, at magpagawa ng police blotter.
- I-contact ang GCASH customer service upang i-report ang scam at i-block ang number kung saan mo ipinadala ang pera.
- Magpatulong sa police kung paano magsumite ng kaso kung kakilala mo ang gumawa sa iyo nito.
Leave a Reply