3 Best Minimalist Christmas Ideas

Christmas nanaman at lahat ay nahihirapang mag-isip kung ano ang magandang iregalo sa co-worker o classmates natin. Heto ang top 3 Minimalist Christmas Gift Ideas na puwede mong ibigay kahit kanino.

1. Useful Item – Madalas mahilig tayong magregalo ng mga bagay na hindi nagagamit ng nakakatanggap. Madalas alarm clock, tuwalya, picture frame, at kung ano pang hindi kailangan. Ang isa sa pinakamagandang bagay na matatanggap ng isang tao ay yung bagay na magagamit niya. Ano ba ang laging ginagamit na co-worker o classmate mo? Ballpen , stapler at mga iba pang office supply? Bakit hindi mo bigyan ng office supply set? matutuwa pa siya sa ganito. O kaya kung alam mo ang hobbies niya, bigyan mo ng bagay na ginagamit niya sa kanyang hobby. Kung mahilig siyang magdrawing, bigyan mo ng paborito niyang lapis o sketchbook.

Magandang iobserve ang pagbibigyan para malaman kung ano ba ang kailangan nila. Kung mahilig sila sa bag, damit o wallet. kung collector sila, alamin kung ano ang kinokolekta nila. Mas makakatipid at makakatulong kung ang ibibigay mo ay yung gagamitin talaga nila at hindi itatapon o itatambak lang.

2. Libro – Kung wala kang maisip, bigyan mo ng libro. Huwag lang basta-bastang libro tulad ng mga kuwentong romance o kahit ano lang. Piliin ang mga useful na libro tulad ng mga libro tungkol sa health, relationships, money, at lifestyle. Kung wala kang maisip magandang bigyan ng libro na gawa ni bo sanchez o iba pan libro na self help.

3. Re-gift Items – Kung ang pagbibigyan mo ay di mo kakilala o alam mong hindi nagbabasa ng libro, bigyan mo na lang ng gamit na maaari niyang ipamigay ulit. Kadalasan marami tayong natatanggap na hindi natin kailangan at naitatambak lang sa bahay, bakit hindi natin ito tingnan ulit at piliin ang maaaring iregalo sa iba. Baka kailangangan ito ng makakatanggap o kaya puwede niya itong ipamigay ulit. Halimbawa, stuff toys, home decors, at cute items. Puwede itong gamitin o kaya i-regift.

Ito ang mga 3 Best Minimalist Christmas Ideas na magagamit mo hindi lamang sa Christmas kundi pati sa ibang okasyon. Best Minimalist Christmas Ideas

Related Post