FREE ONLINE FINANCIAL COURSE (In Filipino – Tagalog)
Bawat Pilipino ay may kakayahan na umahon sa hirap dahil ang lunas sa kanilang kahirapan ay hindi pera kung hindi ang kaalaman tungkol sa pera o ang tinatawag na financial literacy.
Marami sa Pilipino ang ipinanganak na mahirap. Madalas ay wala tayong pera kaya hindi natin alam ang gagawin kung tayo ay may maraming pera. Sa tingin natin ay ang sagot sa problema natin ay ang pagkakaroon ng maraming pera. Subalit maraming mga nanalo sa lotto at biglang yayaman ngunit bang babalik sa kahirapan.
Ayon kay Robert Kiyosaki (1997), ang dahilan ng pagbalik sa kahirapan ng mga mahihirap na biglang yumayaman ay ang kanilang kawalan ng kaalaman sa paggamit ng pera. Kapag nanalo sa lotto ang mahihirap ay bumibili sila ng maraming sasakyan at malalaking bahay, nagbabakasyon at nagpapamigay sa mga kamag-anak. Matapos nito ay wala na silang pangbayad sa kuryente, real estate taxes, insurance, maintenance ng sasakyan. Mapipilitan silang itinda ang mga nabili nila at babalik sa pagiging mahirap. Ano ba dapat ang ginawa ng isang nanalo sa lotto para hindi siya bumalik sa kahirapan?

Para matuto na humawak ng pera?
Kailangan mong matuto ng financial literacy.
Paano ka matuto ng financial literacy?
Magbasa ng libro.
Anong Libro ang babasahin ko para matuto ng financial literacy?
Mga libro nina Robert Kiyosaki, Buffet, Napoleon Hill, at mga librong nirekomenda ng mga nasabing tao.
Marami sa atin ang walang panahon na magbasa, para makatulong narito ang ilang lessons na natutunan ko mula sa pagbabasa ng kanilang libro.